Ang dami kong dapat gawin..
Pro ewan ko ba...tamad na tamad ako talaga.
Wala sa kundisyon, inaantok at sadyang walang gana.
Ang gusto ko lang ay tumulala at magpahinga...
Panay ang masid sa oras...
Nagmamadaling sa opisina ay makalabas...
Nais magpakalayo layo...
Kung pwede nga lang, habang buhay nang magtago...
Hindi naman ako dating ganito...
Noon araw araw, trabaho ay talagang ginagawa ko..
Pinag-iigihan, pinag bubutihan..
Upang pangarap ay makamtan...
Subalit ngayon, hindi ko alam...
Sadyang lumipas na yata ang aking kasipagan...
Di ko alam kung anung dahilan....
Matinding "motivation" ang kailangan...
Ako'y talagang inip na inip...
Malapit na nga akong maidlip..
Maya't maya, YM ay minamasdan...
Maya't maya, ang YM status ko ay pinapalitan...
Kasabay ng aking trabaho, nagawa ko ang tulang ito...
Di sadya, at bigla...sadyang matindi lng ang "boredom" ko..
Dalawang oras pa bago matapos ang araw na ito..
Haaaaaayyyyyy, ewan ko nga ba bakit ganito....
Thursday, May 05, 2005
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
2 comments:
Isa lang ibig sabihin nyan Mau. Nag-uumapaw ang pag-ibig sa iyong puso. Musta na? Nice blog site ah. Take care =p
kung wala kang ibang magawa, mag blog ka! :-D
Post a Comment